Nilagdaan na ng pharmacy giant sa United Kingdom ang $750 million dollar deal o halos P38-T katuwang ang Vaccine Alliance Gavi at Coalition for Epidemic Preparedness Innovations.
Kasabay nito ay inanunsyo ng AstraZeneca na gagawa ito ng 300-M doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine candidate na gawa ng scientists mula sa Oxford University bago matapos ang taong ito.
Ang mga nasabing gamot ay gagawin ng Coalition for Epidemic Preparedness Innovations habang ang Vaccine Alliance Gavi naman ang mangangasiwa sa procurement process.
Naselyuhan din ang isang kasunduan ng nasabing pharmacy sa Serum Institute ng India para gumawa ng 1-B dose ng vaccine na ipapamahagi sa buong bansa at iba pang developing countries.
Tinitiyak naman ng Bill and Melinda Gates foundation kasama ang World Health Organization (WHO) na magiging patas ang pamamahagi ng gamot sa buong mundo.
Kasalukuyan nang sumasailalim sa human trial ang vaccine na gawa ng Oxford University.