Itinanggi ng Philippine distributor ng Chinese company na Sansure Biotech ang alegasyong overprice ang inialok nitong coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing equipment and kits sa gobyerno.
Tinawag pang fake news ng Omnibus Bio Medical Systems Incorporated ang mga report na tinangka nilang i-korner ang gobyerno para bumili ng medical equpment sa mataas na presyo na dahilan nang pagpapa imbestiga ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga may ari ng kumpanya
Ayon sa Omnibus sumusunod ang kumpanya nila sa business practice na magbigay ng best value sa medical equipment at hindi nila sisirain ang reputasyon nila lalo na sa mga panahong ito.
Kinumpirma ng kumpanya ang pag aalok ng extraction machine sa DBM sa halagang P4.3-M na kinabibilangan ng natch consumables o mga plastic na ginagamit para sa rna extraction, air transport at destination charges at iba pa.
Nag alok din anila sila ng isa pang package na nagkakahalaga ng P4-M na mas mababa sa unang alok dahil magkahiwalay ang presyo ng makina at natch consumables.
Binigyang diin ng Omnibus na wala naman silang monopo sa COVID-19 testing equipment at kit.