Timbog sa operasyon ng Malaysian Authorities ang 2 nationals nito at 8 dayuhan na sangkot sa E-Love Scam o kilala ring African Scam sa nasabing bansa.
Nasabat sa mga suspek na kinabibilangan ng isang Pilipina ay mga cellphone, bank in slips, sim cards, modems at laptops.
Modus operandi ng grupo na gumamit ng pekeng larawan ng mga may itsurang Europeans sa social media partikular sa Facebook para maghanap ng maliligawang babae.
Kapag nabola na ang babae padadalhan ito ng mamamahaling regalo tulad ng alahas at cash subalit bago ito mapasakamay ng biktima pababayaran sa kaniya ito ng isang magpapakilalang tauhan ng customs.
Natukoy na isa sa mga biktima ang 40 na si Simpang Renggam na kinaibigan ng isang Amerikano sa Facebook nuong isang taon.
Si Renggam ay nagbayad ng 4,000 Malaysian Ringgit o halos P46,000.00 subalit wala naman itong nakuhang regalo.
By Judith Larino