Arestado ng isang Pilipinong doktor kasama ang walo pang medical professionals sa isang drug bust operations sa New York City, USA.
Kinilala ang Pilipinong doktor na si Dr. Dante Cubangbang na nag ooperate ng klinika sa Franklin Square.
Batay sa alegasyon, nakapagbigay na si Cabangbang at nurse na si John Gardan ng mahigit sa anim na milyong oxycodone pillls sa mga pasyente na hindi naman lehitimo ang pangangailangan sa naturang gamot.
Halos limang milyong dolyar na umano ang kinita ng mga akusado sa pagbisita nila sa mga tanggapan kung saan nila ipinamamahagi ang reseta para sa gamot na kabilang sa narcotic analgesics.
Akusado si Cabangbang at mga kasamahan nito ng pagsasabwatan para sa distribusyon ng isang controlled substance.