Nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang Pilipinong pari na nakadestino sa Estados Unidos.
Ayon sa Holy Name of Mary Parish sa New York, nasawi si monsignor Romualdo Sosing sa edad na 67-taong gulang.
Ilang araw anila itong na-ospital bago tuluyang masawi dahil sa COVID-19.
Si Sosing ay nagmula sa lalawigan ng Northern Samar.