Posibleng maharap sa deportation ang isang Pilipinang caregiver sa Taiwan.
Ito’y dahil sa kaniyang mga post sa social media hinggil sa mga banat nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Labor Attache Fidel Macauyag, natukoy nila ang nasabing caregiver na si Elanel Ordidor.
Abril 20 nang binisita nila si Ordidor sa pinapasukan nito sa Yunin Country at pinaliwanagan sa kaniyang mga post sa social media.
Nangako naman si Ordidor na tatanggalin ang kaniyang mga post makaraang balaan ito na posible siyang ihabla dahil sa kaniyang ginawa.
Subalit makalipas ang ilang oras, may lumutang na muli na isang post na naghahayag umano ng suporta kay Ordidor.
Nabatid na gumagamit ng ibang account si Ordidor at nagbuo pa ito ng isang grupo para maghasik ng galit laban sa pamahalaan.
Dahil dito, pinagsabihan ng labor office ng Pilipinas sa Taiwan ang amo ni Ordidor na may nilalabag itong batas sa Pilipinas.