Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng isang Pinay crew ng Royal Caribbean Ship na MV/Harmony of the Seas.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin nagpakamatay ang 28 anyos na Pinay crew na si Mariah Jocson na na-stranded sa barko at naghihintay makauwi ng Pilipinas.
Ito na ang ikalawang insidente ng suicide sangkot ang mga Pilipinong crew ng barko.
Si Jocson na taga Mandaluyong City ay natagpuang wala nang buhay sa kanilang cabin nuong Hunyo 10.