Natagpuang patay ang isang Pinay domestic helper sa isang luxury flat sa Kowloon City sa Hong Kong.
Kinilala lamang sa pangalang Janice ang 36 na taong gulang na Pinay na nakitang walang malay sa bathroom ng kanyang employer.
Ayon sa ulat, mga pulis at paramedics na mismo ang nagkumpirma na wala nang buhay ang OFW.
Batay naman sa pahayag ng mga otoridad, walang nakitang suicide note sa pinangyarihan at wala rin anilang indikasyon na nagkaroon ng foul play.
Lumabas din sa imbestigasyon na ang lugar kung saan nakita ang Pinay ay hindi naman niya work station pero madalas umanong magtungo roon ang DH para maglinis.
Martes nang huling magtungo ang Pinay DH sa luxury flat pero hindi na ito nakabalik pa.
Nadiskubre na lamang ng kanyang employer ang bangkay ng Pinay nang pinahanap na ito sa iba niyang staff.
Pinaniniwalaang nalubog at hindi na nakabayad ng utang ang Pinay sa isang financial firm na umabot na sa 100,000 Hong Kong dollars.
By Allan Francisco