Binitay ang isang Pinay domestic helper sa Saudi Arabia matapos mapatunayang guilty sa kasong murder.
Hindi na nagbigay ng detalye si Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato sa pagkakakilanlan ng OFW dahil sa kahilingan na privacy ng kanyang pamilya.
Ayon kay Cato, naibigay naman ng embahada ng Pilipinas sa Saudi ang lahat ng ayuda habang dinidinig ang kaso ng OFW.
Hindi umano nila napapayag ang judicial council ng Saudi Arabia sa alok na blood money kapalit ng buhay ng OFW.
Sa ngayon ay isinasaayos na ang mga dokumento upang maiuwi sa bansa ang labi ng binitay na Pinay.
—-