Isa pang Pinay sa Hong Kong ang naka-quarantine matapos mamatay ang among lalake dahil sa kumplikasyon ng novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Nauna nang inilagay sa 14 na araw na quarantine ang isa pang Pinay dahil nakasalamuha nito ang kanyang mga amo na galing ng Wuhan, China.
Ayon kay Foreign Affairs Usec. Brigido Dulay, mahigpit nilang mino-monitor ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Hong Kong.
Inaalam na aniya nila ang report na mayroon pang ibang Pilipino ang nasa watchlist na ng Hong Kong health ministry dahil na-expose rin sa 2019-nCoV ARD ang kanilang mga amo.