Arestado ang isang Pinay overseas worker sa Kuwait dahil umano sa koneksyon nito sa teroristang ISIS.
Ayon sa Ministry of Interior, isang buwan pa lamang nang dumating sa nasabing bansa ang Pinay para magtrabaho bilang kasambahay.
Natuklasan ng mga awtoridad ang pakikipag-ugnayan ng Pilipina sa kanyang asawang Somalian na miyembro ng teroristang grupo na nasa bansang Libya.
Naghihintay lang umano ng pagkakataon ang Pilipina para magsagawa ng suicide bombing attack sa nasabing bansa.
Siniguro naman ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait na maibibigay ang lahat ng pangangailangang legal ng suspek at hindi malalabag ang kaparatan nito sa ilalim ng batas.
By Rianne Briones