Pitong kalalakihan kabilang ang isang Filipino na pawang miyembro umano ng Islamic State ang inaresto ng mga pulis dahil sa pagtatangkang maglunsad ng mga pag-atake sa mga non-muslim area of worship sa Malaysia.
Inaresto ang anim sa Johor State habang ipiniit sa Sabah State ang nag-iisang Filipino na napag-alamang miyembro ng grupong Abu Sayyaf.
Ayon kay Malaysian Police Inspector-General Mohamad Fuzi Harun, natimbog ang mga suspek sa magkakahiwalay na operasyon noong pebrero 27 at marso 15.
Kabilang anya sa anim na inaresto sa Johor ang isang 37-anyos na technician na nag-re-recruit umano ng mga bagong ISIS member at pinaniniwalaang utak sa mga planong pag-atake sa mga pook-sambahan ng mga kristyano at iba pang non-muslim sect sa Kuala Lumpur.