Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pilipino sa Asia-Pacific Region ang nagpositibo sa COVID-19, habang limang Pinoy naman ang nakarekober doon mula sa virus.
Dahil sa new case and recoveries na ito, pumalo na sa 11,671 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong dinapuan ng COVID-19 sa ibang bansa, at umabot naman sa 7,564 ang mga gumaling.
Habang nasa 3,261 cases ang patuloy paring nilalapatan ng lunas, at nananatili naman sa 846 ang death toll.
Samantala, pumalo naman sa 1,413 ang mga Pilipinong nahawaan ng COVID-19 sa Europa, kung saan 307 dito ang patuloy na ginagamot at 1,010 ang nakarekober, habang 96 ang binawian ng buhay.