Patay ang isang negosyanteng Pinoy sa Oakland, California, sa US matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa harap mismo ng kaniyang anak.
Kinilala ng Oakland Police ang biktimang si Jun Anabo, 37-anyos na dinala pa sa ospital pero binawian din ng buhay.
Isa sa mga tinitingnang anggulo ang pagbili ng truck ng biktima na umano’y galing sa nakaw.
Gayunman, hindi naman alam ni Anabo kung galing sa nakaw ang sasakyan kaya posibleng kilala nito ang salarin.
Sa ngayon, sinusuri na ang CCTV sa lugar na makakatulong sa pagresolba sa krimen.