Naging instant millionaire ang isang pinoy sa Dubai matapos mapanalunan ang epic grand prize sa Emirates draw kamakailan.
Kinilala ang OFW na si Russel Tuazon na isang store keeper at nagtatrabaho sa isang sikat na restaurant sa United Arab Emirates (UAE) na nakakuha ng tumataginting na 15 million aed o katumbas ng P224 million.
Ayon kay Tuazon, ito ang kauna-unahan niyang pagsali sa laro at hindi niya inakala na agad siyang mananalo at magiging milyonaryo kung saan, kaniyang tinayaan ang mga numero ng kaarawan ng kaniyang mga mahal sa buhay.
Dahil dito, planong magtayo ng negosyo ni Tuazon na nakalinya umano sa kaniyang hilig.