Isang buwang makukulong at pagbabayarin ng multa ang isang Pilipino sa Malaysia makaraang tangkaing suhulan ang isang traffic enforcer sa nasabing bansa.
Kinilala ang nasabing Pinoy na si Jamah Asdali, isang mekaniko na nagtangkang mag-abot ng 300 ringgit kapalit ang kalayaan ng anak na inaresto dahil sa kawalan ng dokumento.
Inamin ni Asdali ang kaniyang ginawa dahilan upang hatulan siya ng Malaysian court ng isang buwang pagkakakulong at multang 10,000 ringgit alinsunod sa paglabag sa Anti-Corruption Act ng Malaysia.
Dahil dito, kumpiyansa ang mga otoridad sa Malaysia na magsisilbi itong aral sa mga banyaga tulad ng mga Pinoy na hindi uubra ang katiwalian sa kanilang bansa.
By Jaymark Dagala | Kevyn Reyes