Isang Pinoy ang kumpirmadong tinamaan ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS-CoV sa Saudi Arabia.
Tumanggi namang magbigay pa ng detalye ang embahada ng Pilipinas sa pagkakakilanlan ng naturang Pinoy.
Dahil dito, muling pinaalalahanan ng embahada ang mga Pinoy sa Saudi Arabia na sumunod sa mga health guidelines na inisyu ng Saudi at Philippine Health authorities.
By Ralph Obina