Marami na ang kumasa sa nagdaang trend na “What are you willing to do challenge” pero ang doktor na ito sa Taipei, huwag na huwag hahamunin dahil paniguradong siya ang mananalo sa trend na ito.
Kung bakit? Alamin.
Sa Taipei, Taiwan, nag-viral ang in-upload na video ng plastic surgeon na si Chen Wei-Nong kung saan makikita kung paano siya nagsagawa ng vasectomy sa kaniyang sarili.
Si Chen ay mayroon ng tatlong anak at ginawa niya raw ang procedure na ito bilang regalo sa kaniyang asawa.
Ang vasectomy ay isang uri ng birth control ngunit ang kaibahan nga lang nito sa mga tipikal na birth control na alam ng karamihan ay sa mga lalaki ito isinasagawa.
Bagamat marami ang pumuri sa effort na ito ni Chen, mayroon ding mga pumuna sa safety ng pagsasagawa niya ng procedure sa kaniyang sarili na siyang tumagal ng isang oras.
Ngunit bilang doktor, siniguro niya naman na magiging ligtas at successful ang pag-undergo niya rito at sinabi na isa siyang lisensyadong surgeon at hindi niya ito ginawa sa gitna ng oras ng trabahao. Nilinaw niya rin na mayroon itong supervision ng isang Urologist.
Dagdag pa ni Chen, nakaramdam daw siya ng pananakit matapos ang operasyon ngunit maayos naman ang kaniyang naging lagay kinabukasan at binansagan pa na “Bravest man in Taiwan.”
Samantala, kinumpirma naman ang department of health ng Taipei na legal ang ginawa ng doktor na pag-oopera sa sarili.
Successful man ang ginawang effort na ito ni Chen, nabigay pa rin siya ng paalala na ang ganitong medical procedure ay hindi basta-bastang ginagawa sa sarili at dapat ay kumonsulta at ipagawa sa mga lisensyadong doktor.
Ikaw, kaya mo rin bang gawin ang ginawa ni Chen sa ngalan ng pagibig?