Arestado ang isang babaeng fixer na nanghihingi umano ng malaking halaga sa mga aplikante na nais maging miyembro ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng ikinasang operasyon sa Gen. Santos Avenue, Barangay Upper Bicutan, Taguig City.
Kinilala ang suspek na si Evelyn Aleman, alyas “Eva Fonda,” 35 taong gulang, at ahente ng Public Safety Savings and Loan Association Inc. (PSSLAI).
Si Aleman ay naaresto ilang oras matapos ilunsad ng PNP ang kanilang “nameless & faceless” recruitment process para sa mga police aspirants na mas kilala bilang Comprehensive Online Recruitment Encrypting System o CORES.
Napag-alaman na nanghihingi umano si Aleman ng P50,000 sa mga aplikante upang masigurong makakapasa sila sa neuro-psychiatric exam.
Samantala, ibinabala naman ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na wala na ang kultura ng korapsyon at maging ang palakasan system sa recruitment process sa kanilang organisasyon.