Isinugod sa ospital ang isang consultant ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines dahil sa pananakit ng dibdib.
Una nang dinala si Emeterio Antalan sa NBP Hospital.
Pero, batay sa naging rekomendasyon ng nabanggit na ospital, inilipat si Antalan sa Ospital ng Muntinlupa kahapon matapos siyang ma-diagnose na mayroong acute coronary syndrome.
Si Antalan ay kabilang sa 121 maysakit na political prisoners.
By: Meann Tanbio