Mahigit 30 pasyenteng hinihinalang may COVID-19 ang nakapila na lamang sa kanilang sasakyan habang naghihintay na ma-admit sa isang pribadong ospital sa Cebu City.
Sa sasakyan na rin kinabitan ng oxygen tank ang mga pasyente habang naghihintay na may mabakanteng kwarto sa Chong Hua hospital.
Inabisuhan ni City Councilor Joel Garganera, Chief Implementer ng Emergency Operations Center ang mga pasyente na lumipat na lamang sa ibang ospital kung punuan na sa pinuntahan nilang pagamutan.
Noong Biyernes pa anya nagsimulang dumami ang mga nakapilang pasyente dahil puno na ang COVID-19 wards.
Samantala, naglagay na ang lokal na pamahalaan ng mga tent para sa mga pasyenteng nasa sasakyan.—sa panulat ni Drew Nacino