Nahuli at himas-rehas na ang sinibak na Math professor ng University of Manila, na si Gary Abello.
Ayon kay Manila Action Special Assignment Head Bernabe Iringgo Jr, inireklamo si Abello ng pagbebenta ng mga pekeng admission slip, na nagkakahalaga ng P250 pesos, sa mga papasok na freshmen.
Noong nakaraang taon ay sinibak sa Unibersidad si Abello, matapos malaman na peke ang mga isinumite nitong credentials.
By Katrina Valle