Tinambangan ang isang prosecutor ng Maynila.
Ayon sa Ermita Police Station 5 ang biktimang si Jovencio Senados, 62 taong gulang at chief inquest prosecutor sa Manila RTC ay tinambangan sa Quirino Highway kanto ng Anakbayan sa Paco.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang motibo sa pagpaslang kay Senados kasabay ang pagtugis sa mga kriminal na mabilis na tumakas sakay ng isang itim na SUV na may plakang 8133A.