Binuwag na ni Brazilian President Michel Temer ang isang protected forest reserve upang makahikayat ng mga mining company at magbukas ng mas maraming oportunidad patungo sa pag-unlad ng bansa.
Pinaniniwalaang sagana sa likas na yaman gaya ng ginto, copper at iba pang mineral ang 46 thousand square kilometer na Renca Reserve na nasa border ng Amapa at Para States.
Ang Renca o National Reserve of Copper and Associates na bahagi ng pinakamalaking kagubatan sa mundo na Amazon, ay halos kasinlaki ng bansang Denmark.
Gayunman, umani ng batikos mula sa mga conservationist ang hakbang ng Pangulo dahil maaaring magresulta ito sa pinakamalaking environmental disaster kung hindi maglalatag ng mga panuntunan at lilimitahan ang mining activities.
By Drew Nacino