Pinalitan ang lahat ng security personnel na nakatalaga kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ito’y matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa mga PSG na nakatalaga sa kalihim.
Ayon kay PSG Commander Jesus Durante lll, naka-quarantine na ngayon ang lahat ng security personnel na nakalatalaga kay Medialdea.
Upang mawala rin anya ang anumang agam-agam, inirekomenda rin nya na mag quarantine ang lahat ng staff ng tanggapan ng executive secretary.
Samantala, negatibo naman sa COVID-19 si Secretary Medialdea.