Iminungkahi ng isang public health expert ang pagtatalaga ng isang undersecretary na tututok sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa.
Sa isinagawang virtual meeting ng defeat COVID-19 committee ng kamara, binigyang diin ni Dr. Susan Mercado na mainam na magtalaga na ang pamahalaan ng isang undersecretary for quarantine services.
Dapat aniya ay mayroon itong military at medical background, bukod sa may kaalaman sa lawak at mabilis na pagkalat ng impeksyon at kakayahang manduhan ang mga awtoridad na siyang tumitiyak sa pagsunod ng publiko sa quarantine.
Maliban dito, inirekomenda din nito ang pagtatalaga ng international quarantine port para sa mga seafarers sa Corregidor na may military hospital at red cross movement. Ulat mula kay —Jill Resontoc (Patrol 7)