Isa pang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang namatay dahil sa COVID-19.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Lieutenant General Joselito Vera Cruz, ito ay ang 46-anyos na Staff Sargeant at Intelligence Operative ng Cotabato City Police na namatay habang ginagamot sa ospital.
Nabakunahan ito ng Johnson & Johnson pero may sakit na diabetes.
Dahil sa panibagong tala, umabot na sa 128 ang bilang ng nasawi sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19. —sa panulat ni Abigail Malanday