Pinalaya na ng New People’s Army ang bihag nilang pulis sa Compostela Valley, makalipas ang tatlong buwan.
Sa panayam ng DWIZ, inihayag ni Chief Supt. Manuel Gaerlan, hepe ng Police Regional Office-11, nakalaya si SPO2 George Rupinta dakong ala-1:00 kahapon sa Barangay Sangab, Maco.
Agad aniya itinurn-over si Rupinta kay Reverend Socrates Ibol sa United Church of Christ in the Philippines, Tagum City, Davao del Norte at isinailalim sa medical examination at debriefing.
Ayon kay Gaerlan, may natanggap siyang impormasyon na humingi ng tulong ang pamilya ng biktimang pulis kay Special Assistant to the President Bong Go para mapalaya ito.
Nakadestino sa Lupon Municipal Police Station sa Davao Oriental si SPO2 Rupinta nang dukutin ng NPA noong Hunyo 9.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE