Arestado ang isang aktibong pulis at maging ang kasabwat nito dahil sa umano’y pagkakasangkot sa gunrunning activities sa Metro Manila.
Kinilala ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang pulis na si Senior Staff Sergeant Reynolfo Ursulum, 50 taong gulang, at nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng Police Regional Office sa Central Visayas o PRO-7.
Kasama rin sa mga naaresto ang isang Carvyn Parcon kasunod ng entrapment operation sa Doña Soledad Avenue sa Parañaque City.
Nasabat mula sa kanila ang apat na Bushmaster M4A1 carbines, isang sport utility vehicle, isang Taurus 9mm pistol, ilang magasin na may mga bala, identification cards at ATM cards.
Sasampahan na ng kaukulang kaso ang mga naturang suspek.