Patay ang isang pulis matapos na pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakilalang suspek sa Tondo, Maynila, nitong Martes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Richard Ramos, 45-anyos, isang pulis na nag-AWOL matapos ang tatlong taon sa serbisyo.
Batay sa ulat, nag-iinuman ang biktima kasama ang kapatid nito nang dumating ang mga suspek at tsaka pinagbabaril si Ramos.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagpaslang sa biktima.