Kinumpirma ng pulisya na isang alagad ng batas ang suspek na nahuli sa CCTV na nanipa at nanutok ng baril sa grupo ng customer sa isang bar sa Pasay City nuong nakalipas na linggo.
Kinilala ng Pasay City Police ang suspek na si PO1 Van Ichiro Gara Ramos na nakataga sa Paranaque City Police.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya , hindi na nag report sa kanyang trabaho si Ramos matapos mangyari ang insidente.
Nahaharap ngayon si Ramos sa kasong attempted homicide at grave threats .
Gayundin ayon sa pulisya ay irerekomenda na nila ang dismissal sa trabaho ni Ramos matapos na mabatid na hindi ito ang unang beses na nasangkot siya sa gulo makaraang manutok ng baril sa isang burol sa Cavite nuong Setyembre.