Patay ang isang pulis habang pinaniniwalaang dinukot ng mga armadong lalaki ang tatlo pang pulis sa bayan ng San Miguel sa Catanduanes.
Base sa impormasyon, nagkasa ng imbestigasyon ang mga biktimang pulis para maglabas ng warrant of arrest sa Baranggay J.M Alberto Sitio Tucao nang makasagupa nila ang mga armadong kalalakihan.
Dito na umano binaril ang isang pulis habang isinakay naman sa motorsiklo ang tatlo pang pulis.
Ayon sa Bicol PNP, wala pang kabuuang detalye sa pangyayare pero patuloy pa nilang iniimbestigahan ang naganap na insidente kung saan, hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang salarin sa krimen. —sa panulat ni Angelica Doctolero