Patay ang isang pulis sa Camp Crame nang atakehin sa puso matapos mag-ehersisyo.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) Health Service, isinugod sa emergency room ng PNP General Hospital si SPO2 Moises Bilgera Tegrado, 50 taong gulang, makaraang makaramdam ng panghihina at pagkahilo matapos mag-jogging sa PNP oval kahapon.
Habang ginagamot ay biglang inatake sa puso ang pulis na nauwi sa pagkamatay nito.
Napagalaman na may hypertension at diabetes ang nasawing pulis.