Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin sa Quezon city kagabi, Nobyembre 5.
Kinilala ang biktima na si Lt. Ernesto Mendoza Jr. ng Quezon City Police District (QCPD).
Batay sa ulat, minamaneho ni Mendoza ang kaniyang Hyundai Accent sedan nang tambangan ito at pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Malingap Street sa Barangay Teachers Village.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan ng mga suspek.