Gagawin nang requirement ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtatanim ng puno para sa aplikasyon ng prangkisa ng mga pampasaherong jeepneys simula Disyembre 1.
Ito’y alinsunod sa memorandum circular 2020-076 na inisyu ng LTFRB, gagawin nang mandatory ang tree planting sa pag-aaply ng prangkisa makaraang marami sa mga lugar sa bansa ang bahain dahil sa pananalasa ng bagyo.
Saklaw ng kautusan ang lahat ng aplikante para sa bagong CPC na may hanggang sa 10 unit ng pampasaherong jeepneys, gayundin ang lahat ng korporasyon at mga kooperatiba na nag-aaply para sa kanilang CPC.
Ibig sabihin, sa ilalim ng bagong polisiya, ang mga aplikante ay kakailanganing magtanim ng 1 puno sa bawat unit na kanilang i-aaply.