Dinukot ng pinaniniwalaang miyembro ng NPA o New People’s Army ang kapitan ng Brgy. Malo, bayan ng Bansud sa Oriental Mindoro gayundin ang tatlong iba pang residente nito.
Kinilala ng Police Regional Office 4-B ang mga biktima na sina Barangay Chairman Peter Delos Santos, Louie Mebdinille, Raymund Malupa at Ricky Capillo.
Batay sa paunang imbestigasyon ng MIMAROPA PNP, sampung armadong miyembro umano ng NPA na nakasuot pa ng uniporme ng militar ang dumukot sa mga biktima.
Natakanggap din umano ng text message ang mayor ng Bansud mula sa mga rebelde na pilit sinisingil ng permit to campaign, bagay na mahigpit na tinututulan naman ng AFP at ng COMELEC.
Pagdukot ng NPA sa Oriental Mindoro, kinondena ng CHR
Mariing kinondena ng CHR o Commission on Human Rights ang panibagong insidente ng pagdukot ng NPA o New People’s Army sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Atty. Jackie De Guia, tagapagsalita ng CHR, hindi katanggap-tanggap ang ginagawang ito ng NPA lalo’t tinarget ng mga ito ang mga tagapagpatupad ng batas at opisyal ng pamahalaan.
Magugunitang dinukot ng mga rebelde sina Brgy. Malo, Bansud Chairman Peter Delos Santos gayundin sina Ruth Delos Santos, Rocky Bueta at isang CAFGU na si Raymund Malupa.
Binigyang diin ni De Guia na hindi makatao ang hakbang na ito ng mga rebdelde kaya’t nararapat lamang na panagutan nila ito sa ilalim ng mga umiiral na batas.