Malaki ang kinalaman ng kontrobersiya sa dengue vaccine sa pag-aalangan ng malaking bilang ng mga Filipino sa pagpapabakuna kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni dating Health Secretary Dra. Esperanza Cabral kasunod ng resulta ng survey ng OCTA Research Group at Pulse Asia kung saan lumabas na halos 50% ng mga Filipino ang bantulot na magpabakuna.
Ayon kay Cabral, malawakang takot ang naidulot ng aniya’y mga pekeng salaysay ng ilang grupo partikular Ng Public Attorney’s Office tungkol sa epekto umano ng dengvaxia.
Ito ay bagama’t kahit isang kaso ay hindi aniya napatunay ng PAO na dengavaxia vaccine ang dahilan ng pagkasawi ng ilang mga batang naturukan nito.
Sinabi ni Cabral, hindi lamang takot sa dengvaxia ang idinulot ng naging hakbang ng PAO at iba pang grupo kundi nakaapekto rin maging sa iba pang mga bakuna na matanggal nang napatunayang epektubo.
Aniya, lubhang nakalulungkot ito dahil isa ang bakuna sa mga pinakaimportanteng paraan para makaiwas sa malubhang o nakamamatay na sakit.