Patay ang isang dating board member at re-electionist matapos pagbabarilin ng isang 80-anyos na suspek sa Dagawe, poblacion ng Mt. Province.
Kinilala ang nasawing biktima na si Carino Tamang, 56-anyos na dead-on arrival sa ospital dahil sa tama ng mga bala ng baril sa ulo at dibdib.
Kinilala ang suspek na si Efren Tariago na nagtangka pang tumakas matapos ang pamamaril gamit ang isang 9.mm pistol.
Base sa nakuhang impormasyon, nagtalo muna ang dalawa kaugnay sa usapin umano sa lupa.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder at paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (COMELEC) at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. —sa panulat ni Angelica Doctolero