Tuluyan ng nabawi ng Syrian Government Forces ang Eastern Ghouta Region mula sa mga rebelde matapos ang mahigit dalawang buwang sagupaan.
Ayon sa Russian Center for Syrian Reconciliation, naiwagayway na ang watawat ng Syria sa Douma, ang pinakamalaking lungsod sa Ghouta.
Isa anila itong malaking tagumpay ng rehimen ni Syrian President Bashar Al-Assad sa gitna ng mga panibagong bantang pag-atake ni US President Donald Trump matapos ang hinihinalang chemical attack sa Douma.
Ang sagupaan sa Eastern Ghouta Region ang pinakamadugong military operation sa pitong taong civil war kung saan mahigit labingwalong libong (18,000) sundalo, rebelde at sibilyan ang namatay simula April 2011.
—-