Humihingi ng public apology kay Pangulong Rodrigo Duterte ang PJM o Philippines for Jesus Movement.
Sa kanilang liham sa Pangulo, hiniling ng PJM na mag-public apology ang Pangulo sa Panginoong Diyos.
Ayon kay Brother Eddie Villanueva ng Jesus is Lord, limampung (50) Evangelists mula sa iba’t ibang Simbahan sa ilalim ng PJM ang nagpulong at nagkasundong sumulat sa Pangulo.
Sinabi ni Villanueva na bilang mga alagad ng Diyos at bilang mamamayang naniniwala sa Diyos, hindi dapat palampasin ang ginawang paglapastangan ng Pangulo sa Panginoong Diyos.
—-