Negatibo na sa COVID-19 ang isang residente ng Liloan, Cebu na una nang nagpositibo sa UK variant ng coronavirus habang nasa isang apartment sa Quezon City.
Ayon ito kay Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos isalang sa re-swabbing sa hope facility ng lungsod ang nasabing 37 anyos na lalaki.
Ang nasabing pasyente aniya ay una nang inilipat ng kanyang manning agency sa isang apartment sa barangay Commonwealth mula sa isang hotel na tinuluyan nito matapos magtungo sa nasabing agency sa Maynila.
Sinabi ni Belmonte na ito ang dahilan kaya’t kakasuhan nila ang manning agency na lumabag sa health protocol dahil ang barangay health emergency response team kung saan nakatira ang pasyente ang dapat na sumundo rito at hindi ipasundo sa kung kanino lamang.