Nasunog ang isang residential area ng 21st UP Garden sa Barangay San Vicente, Quezon City, kagabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nag-umpisa ang sunog bandang alas-9 ng gabi at dakong 9:38 ng gabi nang ideklara itong fire out.
Ayon sa mga otoridad, ang naiwang kandila ang tinitingnang sanhi ng insidente.
Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan dahil sa sunog, ngunit tinatayang lima hanggang sampung pamilya ang naapektuhan nito.
Nananatili ngayon ang naturang mga pamilya sa isang simbahan sa UP Bliss.