Pinaiikot ng Minorya sa Senado ang isang resolusyon na naninindigang tanging Senado lamang na tumatayong impeachment court ang maaaring magpatalsik sa isang impeachable officer tulad ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Minority Floor Leader Franklin Drilon, layunin nito ang maipabatid sa Korte Suprema ang legal stand at sentimiyento ng mga senador matapos paboran ng mayorya ng Senado ang quo warranto petition laban kay Sereno.
Dagdag ni Drilon, oras na i-adopt ng Senado ang nasabing resolusyon, magiging public document ito na maaari ring isama ni Sereno sa kanyang ihahaing apela sa Korte Suprema.
Samantala, sinabi naman ni Senate President Koko Pimentel na nakabatay sa House of Representatives ang kanilang magiging aksyon sa impeachment case laban kay Sereno.
—-