Pinagbabato ng dalawang lalaking sakay ng van ang isang kainan sa Barangay Muzon sa Lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan dahilan upang mabasag ang mga salamin nito na pagmamay-ari ng kapitan ng nasabing Barangay.
Ayon kay Ivy Gale Diopenes anak ni Kapitan Marciano Gatchalian, dalawang armadong lalaki ang bumaba lulan ng van na siyang bumato sa kanilang family owned food business.
Dagdag nito, hindi na sila muling mag-ooperate sa naturang restaurant para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga manggagawa.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad kaugnay sa nangyaring insidente.—sa panulat ni Agustina Nolasco