Sa mahal ng bilihin ngayon, lahat naman yata tayo ay excited kapag narinig na discounted ang bill na babayaran natin. Pero matutuwa ka pa rin ba kung kakailanganin mo pang lumusot sa butas ng karayom para lang maka-discount? Ganyan ang siste sa isang restaurant sa Thailand na nakatanggap ng criticism dahil sa kakaiba nitong paraan para magbigay ng discount sa customers.
Ang buong kwento, eto.
Sa social media account ng user na si amonthego, makikita ang sunud-sunod niyang travel videos.
Sa pinakabago niyang post, makikita si amina at ang iba pang customers na tila naglalaro at lumulusot sa mga bars sa restaurant na Chiang Mai Breakfast World.
Ang bawat bars ay mayroong magkakaibang sukat at may kani-kaniyang equivalent na discount mula 5 percent hanggang 20 percent, habang ang bar naman mayroong pinakamalaking gap ay walang discount. Ibig sabihin, kapag mas maliit ang gaps, mas malaki ang discount.
Kung saang bar kakasya ang mga customer, ‘yon din ang halaga ng discount na makukuha nila.
Makikita sa kaparehas na video ang isang lalaki na pilit na pinagkakasya ang kaniyang sarili sa bars na mayroong 15% at 10% discounts pero hindi pa rin siya kumasya. Kung kaya lumipat ang lalaki sa bar na mayroong 5% discount at doon matagumpay na nakalusot.
Samantala, hindi nagustuhan ng ilang netizen online ang gimmick na ito ng nasabing restaurant. Isang commentator ang nagsabi na maaari raw itong mag-rpomote ng eating disorder. Habang mayroon ding nagtanong na paano raw kung hindi pa rin siya kakasya sa full price o ‘yong bar na mayroong pinakamalaking gap.
Mayroon ding concered citizen na nagtanong kung ano mangyayari kung magkaroon ng injury ang isang tao para lang makakuha ng maliit na discount?
Ikaw, pipiliin mo rin bang lumusot sa butas ng karayom para lang makamura?