Nagpositibo sa COVID -19 ang isang retiradong pari sa Cebu.
Ayon sa report, si Auxiliary Bishop Emeritus Antonio Raniola ay isinugod sa ospital dahil sa matinding pag-ubo nito at mahigpit nang binabantayan ng mga duktor bagamat stable naman ang vital signs nito.
Na ospital din dahil sa COVID-19 si Father Russel Sungcad, parish team member ng Alliance of Two Hearts Parish sa Barangay Banawa sa Cebu City.
Inanunsyo ng parokya na naka home quarantine na ang convent workers samantalang nananatiling normal ang guest priests at parish ministries church services.
Samantala, nasa stable condition na si Cebu Archbishop Jose Palma at mahigpit pa ring mino monitor ng kanyang mga duktor matapos mag positibo sa COVID-19 nuong Huwebes, Pebrero 18.