Dead-on-arrival ang isang rider matapos sumalpok sa isang pick-up truck sa isang U-turn way sa Quezon Avenue, Quezon City.
Ayon sa mga otoridad, nayupi ang gilid sa bandang harapan ng pick-up truck dahil sa lakas ng pagkakabangga ng rider.
Ayon sa isang tauhan ng barangay sa lugar, nagkaroon ng matinding pinsala ang rider dahil wala umano itong suot na helmet.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero