Isang Low Pressure Area o LPA ang namataan sa silangan ng Surigao del Sur.
Gayunman, walang nakikitang banta ang PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration dahil maliit ang tiyansa na maging isang bagyo ang naturang sama ng panahon na posibleng malusaw sa mga susunod na araw.
Asahan naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan dulot ng thunderstorms ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Bulacan, Rizal sa loob ng dalawang oras batay sa inilabas na thunderstorm alert ng PAGASA kaninang alas-3:30.
Apektado rin ng thunderstorms ang ilang bahagi ng Zamboanga Sibugay, Surigao del Norte at Sur maging ang leyte na posibleng tumagal ng isa hanggang dalawang oras.
By Drew Nacino