Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa Catanduanes.
Huling namataan ang LPA sa layong 840 kilometro Silangan ng Virac.
Gayunman, nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na malabong maging bagyo ang nabanggit na sama ng panahon.
Makaaapekto naman sa northern Luzon ang hanging amihan na maaaring magdala ng pag-ulan na posibleng magresulta sa landslides at flashfloods.
By Drew Nacino