Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang 14 na araw pa lamang na kapapanganak na sanggol sa Bataan.
Batay sa impormasyon ng Bataan Provincial Office, nagmula ang sanggol sa bayan ng Orani.
Sa kasalukuyan mayroon nang 80 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Bataan kabilang ang nabanggit na sanggol bilang pinakabata.
Samantala, apat naman ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa Bataan.